Social Media; Ang higit na kailangan ng lahat

78348BCF-CB14-44D3-8D3C-B532D8C5FA3A.jpegSocial Media—ang higit na kailangan ng lahat. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang birtwal na komunidad. Bukod dito, ang social media ay isang interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit.

Talaga nga namang kay bilis lumaganap ng social media sa buhay nating mga Pilipino, lalong lalo na sa mga kabataan ngayon. Napakalaking tulong ng social media sa pangaraw-araw na buhay ng bawat estudyante ngayon. Lingid sa kaalaman natin, ang mga apps katulad ng Facebook, Twitter, Youtube at marami pang iba ay may napakalaking ambag sa atin. Hindi lang sila ginagamit para pang-aliw, kung hindi ay ginagamit din ito para sa pag-aaral.

Halina at samahan ako sa pagbibigay pa ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng social media ng mga kabataan ngayon. Una, ito ay nakakatulong upang ang mga estudyante ay makisalamuha at makihalubilo sa kapwa nila estudyante at mga guro. May mga panahong kailangan ng interaksiyon ng guro at estudyante upang maihatid ang mga katanungan at ibang impormasyon tungkol sa kanilang pinag-aaralan. Nakakatulong din ito kapag ang mga estudyante ay may group project, nabibigyan sila ng pagkakataon upang mag-usap para sa kanilang proyekto. Pangalawa, ang social media ay ang pinagmumulan ng mga impormasyon na kailangan ng lahat. Ang halimbawa nalang nito ay kapag may research at assignments na ipinapagawa, mas mapapadali ang buhay ng mga estudyante. Hindi lang iyon, lumalawak din ang kaalaman ng bawat mag-aaral. Pangatlo, kung nahihirapan ka na sa iyong inaaral ay na andiyan ang social media upang matulungan ka. Madaling humingi ng tulong sa iyong kapwa mag-aaral o di kaya ay magresearch tungkol sa mga paksang hindi mo masyadong naintindihan. Pang-apat, sa tulong ng makabagong teknolohiya, nahahasa o nalilinang ang mga pagkamalikhain at pagkamasining ng bawat estudyante na pwedeng maibahagi pa sa iba. At ang huli ay ginagamit din ang social media upang pang-aliw dahil ang bawat estudyante ay kailangan pa rin magpahinga at magrelax kabila nang bawat hirap at pagsubok na kanilang pinagdadaanan sa pangaraw-araw na buhay.

Ngayon ay napag-alaman na natin ang kahalagahan ng social media sa bawat estudyante. Napakalaki ng ambag nito sapagkat hindi lang pala puro pang-aliw ang facebook, twitter, youtube at etc. kundi pang-aral din. Higit na napapadali nito ang buhay ng bawat estudyante Maraming pakinabang ang mga ito dahil dito tayo kumukuha ng dagdag kaalaman para sa pangaraw-araw natin na pamumuhay. Bagkus, mayroon din silang negatibong epekto para sa bawat mag-aaral, huwag sana natin ito samantalahin upang makagawa nang hindi kanais nais na bagay.

Maging bukas sana ang ating mga mata, puso at isipan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Maraming benepisyo ang paggamit ng social media para sa mga kabataan. Huwag lang natin itong aabusuhin dahil ang bawat masamang kilos ay may kaakibat na parusa. Bilang isang estudyante, dapat tayo maging responsable sa ating mga ginagawang aksiyon. Gamitin natin ang mga ito sa tamang paraan upang mas lalo tayong umunlad.